Home TOP STORIES Higit 1,600 rescuers, tutulong sa lindol sa Venezuela

Higit 1,600 rescuers, tutulong sa lindol sa Venezuela

10
0

CARACAS, Venezuela – Dumating na sa Venezuela ang mahigit 1,600 miyembro ng mga foreign rescue team upang tumulong sa paghahanap ng mga nakaligtas matapos ang magkasunod na malalakas na lindol na kumitil ng mahigit 900 buhay.

Ayon kay interim President Delcy Rodriguez, inaasahan pang darating ang rescue teams mula sa 10 pang bansa. Nasa 14,000 sundalo at pulis din ang ipinakalat sa La Guaira para sa seguridad at kalinisan.

“In recent hours, Venezuela has received 17 flights carrying more than 1,600 members of rescue teams, and over the next 24 hours, the arrival of 25 additional flights is expected,” ayon kay Oliver Blanco.

“We thank the international community for its support and solidarity during these moments of uncertainty for Venezuelans,” dagdag niya.

Patuloy ang paghahanap ng mga rescuer sa La Guaira at sa kabisera na Caracas, kahit marami pa ring lugar ang kulang sa opisyal na rescue teams. Isinara rin ng pamahalaan ang pangunahing kalsada sa pagitan ng La Guaira at Caracas upang mapabilis ang pagdaan ng mga emergency vehicle.

Samantala, mahigit 54,000 katao ang nakalista bilang nawawala o hindi pa natatagpuan sa isang website na itinataguyod ng oposisyon.

Tinataya ng United States Geological Survey na posibleng lumampas sa 10,000 ang bilang ng mga nasawi dahil sa magnitude 7.2 at 7.5 na lindol. Ayon naman sa United Nations, maaaring maapektuhan ang halos 7 milyong tao, habang tinatayang aabot sa $6.7 bilyon ang direktang pinsala.

Patuloy ring dumarating ang tulong mula sa iba’t ibang bansa, kabilang ang Estados Unidos, Argentina, Germany, Qatar, at El Salvador, habang nagpapatuloy ang search and rescue operations. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here