Manila, Philippines – May isang bubuwit na nag-tweet na bet daw buhayin o ibalik ni Bossing Vic Sotto ang tambalan nina Bimby Yap at Ryzza Mae Dizon.
Ang tsika, balak daw isama ng beteranang komedyante at TV host ang dalawa sa kanyang MMFF entry this year.
Matatandaang kailan lamang ay nagpakilig ang tandem nina Bimby at Ryzza Mae nang mag-guest ang una para batiin ang huli sa birthday nito sa kanilang noontime variety show.
Niregaluhan din ni Bimby si Ryzza Mae ng kuwintas na siya mismo ang nagsuot sa leeg ng dating co-child star niya sa MMFF entry na “My Little Bossing” noong 2013.
Ang siste, hindi roon natapos ang kilig feels ng kanilang tandem dahil bumalik si Bimby bilang co-host ng show.
Well, maganda nga namang training ground ang show para mahasa pa ang hosting skills ni Bimby na namana ang talino kay Kris Aquino.
Bukod pa riyan, hindi na rin tayo magtataka kung sa nasabing show una nating mapanood na kumanta si Bimby lalo na’t napabalitang he’s taking vocal lessons under Cornerstone.
Kung sakali ring magiging regular sa show si Bimby, malaki ang potensyal ng kanilang tandem ni Ryzza Mae para maging phenomenonal tulad na lamang ng nangyari sa successful kalyeserye ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza.
O , di ba paldo ang show sa tambalang Bimby at Ryzza Mae? Archie Liao