Home ENTERTAINMENT Teejay Marquez, adik sa spa!

Teejay Marquez, adik sa spa!

2
0
Screenshot

Manila, Philippines – After nang matinding trabaho o work-out, hinahanap ng katawan ni Teejay Marquez ang masahe.

Kaya madalas na maging laman ng spa ang Kapuso aktor.

Para kay Teejay na madalas may trabaho sa ibang bansa, ang pagpapanatili sa kanyang physical and mental wellness ay naging mahalaga upang makasabay sa kanyang fast-paced na lifestyle.

Ipinahayag ng actor at content creator kung gaano kahalaga ang paglalaan ng oras para mag-recharge, na patuloy na nagbibigay sa kanya ng positive energy.

Aniya, “Iniingatan natin ang ating health, eating the right food, work out, mga vitamins, and definitely twice or thrice a week, basta every time na may free time ako diretso na ako, magpa-massage, nagpupunta ako sa spa.

“Nagpapa-service ako rito, kasi nakaka-recover talaga ako, maganda sa katawan, maganda sa blood circulation, maganda talaga sa wellness.”

Dagdag pa ni Teejay, “For me kasi, sulit talaga iyong experience, sabi nga nila iyong ambiance… But iyong service at iyong massage nila talagang paglabas mo, you will really be recharged.

“So, masusulit talaga ang pagpunta mo rito. it’s the experience itself, babalik-balikan mo talaga ang BlueWater Day Spa.”

Anong masahe ang gustong-gusto niya?

“Iyong may hagod siyempre, iyong deep tissue massage. Iyong hard talaga… kasi ang sakit-sakit ng katawan ko sa kabubuhat (sa gym).

“So, kailangan talaga, na iyong mga lamig-lamig sa katawan ko ay matanggal.”

Aminado rin si Teejay na adik na talaga siya sa spa.

“Oo naman, guilty, guilty ako roon,” nakangiting wika niya.

“Basta may free time ako, parang iyan agad ang naiisip ko, magpa-massage.

“Iba kasi ang feeling after ng massage, iyong feeling na na-recharge ka, masarap, at iyong feeling na sulit talaga ang ibinayad mo,” sambit pa ni Teejay. Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here