Home OPINION DOLE SA ECOP: PROGRESSIVE WAGE MODEL PARA SA MGA OBRERO SUPORTAHAN

DOLE SA ECOP: PROGRESSIVE WAGE MODEL PARA SA MGA OBRERO SUPORTAHAN

1
0

MAKATI CITY — Hinimok ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis N. Tolentino ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na pamunuan at tulungang idisenyo ang pagpapatupad ng Progressive Wage Model (PWM) sa bansa.

Ginawa ni Tolentino ang pa­nawagan sa katatapos lang na Special Members’ General Meeting ng ECOP noong Biyer­nes, Hunyo 26, 2026 sa Makati City.

Ang PWM ay isang sistema ng pagpapasahod na nakatali sa produktibidad ng manggagawa. Sa ilalim ng modelong ito, ang mga rank-and-file o lower-wage workers ay makatatanggap ng mas mataas na sahod kasabay ng pag-angat ng kanilang kakayahan (skills), karanasan sa trabaho, at husay sa produksyon.

Ayon kay Tolentino, ang hak­bang na ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang kompetis­yon ng mga manggagawang Fi­lipino at isulong ang tuloy-tuloy na paglago ng mga negosyo sa pamamagitan ng pamumuhunan sa pagsasanay.

Binigyang-diin ng kalihim na ang matatag na trabaho ay nakasalalay sa dalawang haligi: ang proteksyon sa manggagawa at ang kakayahan ng negosyo na kumita.

“Kasama ang ECOP, kaya nating bumuo ng isang ‘Philippi­ne wage architecture’ na nagpapakita sa mga foreign investors na ang Pilipinas ay may rasyonal na bayad sa paggawa, may mataas na kalidad ng mga manggagawa, at may matatag na mga patakaran, bagay na maglalagay sa atin bilang pangunahing destinasyon ng negosyo sa buong rehiyon ng ASEAN,” pahayag ni Tolentino.

Nilinaw naman ng DOLE na ang PWM ay magsisilbing gabay o suporta lamang at hindi papa­litan ang kasalukuyang umiiral na minimum wage system ng ban­sa.

Ipatutupad ito sa pamama­gitan ng “sector-by-sector” at “skills-ladder” na sistema upang matiyak na ang pagtaas ng sahod ay unti-unti, predictable, at suportado ng mga libreng pagsasanay mula sa TESDA.

Noong Hunyo 16, 2026, ni­lagdaan na ni Tolentino ang ­unang advisory para sa boluntaryong pagpapatupad ng PWM sa sektor ng konstruksyon (Cons­truction Industry), na siyang magiging unang hakbang bago ito tuluyang palawakin sa iba pang mga industriya sa bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here