TUWING Hunyo ng bawat taon ay laging masaya, makulay at matagumpay ang mga Pride March saan mang panig sa Pilipinas at sa buong mundo. Gayunman, marami pa rin sa mamamayan ang hindi pa lubos na nauunawaan kung ano nga ba itong Pride March at Pride Month na ito?
Ang Pride Month ay nagsimula sa Stonewall Uprising sa New York City noong Hunyo 28, 1969 – eksaktong 57 taon na ang nakalipas.
Para sa kaalaman ng lahat, ganito ang nangyari, noong mga panahong iyon na madalad sinasalakay (raid) ng New York Police ang Stonewall Inn, isang gay bar sa Greenwich Village. Datapwa’t pagsapit ng Hunyo 28, 1969, lumaban ang mga tao sa loob. Nagsimula sa isang maliit na riot, tapos tumagal ng 6 na araw ng protesta. Mga trans women, drag queens, at queer youth ang nasa unahan ng rally para ipaglaban ang kanilang karapatan at kalayaan bilang mga tao rin at bahagi rin ng lipunan.
Bago iyon, halos itinuturing na iligal ang pagiging bakla sa halos buong United States. Kaya ang mga nangyayaring raid ay halos normal lang na kaganapan. Subali’t ang paglaban sa Stonewall ang naging mitsa para sa kanilang karapatan at kalayaan.
Samantala, naging pride na ito makalipas ang isang taon, Hunyo 28, 1970, nagmartsa ang mga tao sa New York City at iyon na ang pinaka unang Gay Pride March sa kasaysayan ng buong mundo.
Sa mga sumunod na taon, nagkaroon na rin ng sariling mga Pride March sa Los Angeles, Chicago at San Francisco pawang sa US.
Sa kabilang banda, ginawa ng Hunyo ang Pride Month para gunitain ang nangyari sa Stonewall.
Samantala, ang rainbow flag ang naging simbolo ng Pride March sa buong mundo, ito ay idinesenyo ni Gilbert Baker noong 1978. Sa kabilang bansa ang bawat kulay ay may ibig sabihin gaya ng buhay, kalusugan, araw, kalikasan, pagkakaisa at ispiritu.






