Home NATIONWIDE Referral ng CIDG-PNP sa Ateneo student-athlete case, natanggap na ng DOJ

Referral ng CIDG-PNP sa Ateneo student-athlete case, natanggap na ng DOJ

5
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Justice o DOJ na natanggap noong Biyernes, Hunyo 26, 2026, ang referral mula sa CIDG/PNP na nagrerekomenda ng pagsasampa ng kaso laban sa ilang indibidwal kaugnay sa nangyaring insidente at umano’y pagkalunod ng dalawang Ateneo student athlete na sina Rene “Bobet” Baterbonia at Divine Adili.

Ayon sa DOJ ,ang rekomendasyon ay para sa  paglabag sa Republic Act No. 11053, o ang Anti-Hazing Act, at iba pang mga paglabag na maaaring patunayan ng ebidensya at naaangkop na batas, na maaaring kabilang ang Homicide at/o Reckless Imprudence Resulting in Homicide, kung nararapat.

Sinabi ni Justice spokesperson Atty.Polo Martinez na sa ngayon ay dadaan muna sa paunang pagsusuri ang referral ng DOJ upang matukoy kung kumpleto at sapat ang mga isinumiteng ebidensya para sa karagdagang proseso. 

Sa proseso, may dalawang maaaring gawin: una, kung kulang ang ebidensya, maaaring ibalik ito para sa karagdagang case build-up ng DOJ katuwang ang CIDG, alinsunod sa DOJ Department Circular No. 20; o pangalawa, kung sapat ang referral, maaari itong i-docket para sa preliminary investigation sa DOJ. 

Hangga’t hindi pa natatapos ang pagsusuring ito, hindi pa maaaring magbigay ng karagdagang detalye ang DOJ tungkol sa referral.

Tiniyak ng DOJ sa publiko na mabilis at patas na susuriin ang usapin alinsunod sa ebidensya, sa batas, at sa naaangkop na proseso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here