MANILA, Philippines – Hinimok ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botante sa BANGSAMORO na makilahok sa gaganaping kauna-unahang Parliamentary elections.
Sinabi ni Comelec Chairman Erwin George Garcia na para mapatunyan na parte tayo ng pagbabago, parte tayo ng kinabukasan, kinakailangang boboto sa halalang ito dahil ang isang boto, isang Bagsamoro ay isang bansa.
“Tatandaan po natin, itong ating pagboto hindi lamang ito pagboto ng Moro. Hindi ito lang boto sa Bangsamoro. Ito’y boto para sa ating bansa.
Ayon kay Garcia, maraming pamamagitan ngayon para icounter-check ang resulta.
Huwag aniyang magpadala sa mga alinlangan at hindi na ito ‘yung tulad ng dati na parang laging merong kwestyon.
Ipinaliwanag din ni Garcia na ang Comelec ay hindi nagsusuma-total at hindi nagra-ranking.
“Ang makikita nyo lang sa website namin kahit po doon sa aming operations center sa mismo ng Chairman’s Hall ng Comelec Main Office ay ‘yung mga boto ng mga kandidato , Partial Political or Sectoral Organizations , bawat presinto ng Bangsamoro”, ani Garcia kasabay ng Simulation Exercise para sa 2026 BARMM Parliamentary Election sa Cotabato City Institute noong Hunyo 27.
Dagdag pa ni Garcia magkakaroon ng Voter’s Information Sheet (VIS).
“By August lahat po ng mga kababayan natin sa buong Bangsamoro ay makakatanggap ng VIS na katulad ng pinamahagi namin noong 2025 (NLE). Yan po ay dahil may dagdag na binigyang-diin sa aming budegt”, sabi pa ni Garcia. Jocelyn Tabangcura-Domenden