ZAMBALES, Philippines – Nakahukay ng mga awtoridad ang ng mga baril, bala, iba’t-ibang uri ng pampasabog at mga suberberbisibong dokumento na pinaniniwalaang itinago sa dating Kuta umano ng mga rebelde sa Barangay Inhobol, Masinloc.
Batay sa ulat ni Zambales Police Director Col. Benjamin P. Ariola Kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez, natuklasan ng mga pulisya ang isang dating kuta umano ng Communist Terrorist Group (CTG) kung saan nahukay at nadiskubre umano ang ilang mga armas at mga pampasabog na inihukay ng mga rebelede bago ito nilisan.
Nalaman ito matapos makatanggap ng impormasyon hinggil dito sa tulong umano mismo na galing sa kilusan.
Itinuro umano ng isang dating miyembro/kaanib ng kilusan kung saan ibinaon ng mga dating rebelde ang samu’-t saring explosive materials.
Nakuha din ng pulisya sa lugar ang dalawang (2) improvised shotgun, higit 100 rounds assorted cartridge/magazine at iba”t-ibang uri ng bala ng baril.
Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga narekober na armas at mga bala.
Patuloy na hinihikayat ng mga awtoridad/pulisya ang mga nais magbalik loob sa pamahalaan na samantalahin ang mga programang inilaan ng gobyerno para makapamuhay ng normal sa komunidad. (ROEL TARAYAO)