Home SPORTS BANNER STORY Magnitude 5.9 lindol yumanig sa Pakistan, Afghanistan

Magnitude 5.9 lindol yumanig sa Pakistan, Afghanistan

5
0

ISLAMABAD, Pakistan – Isang magnitude 5.9 na lindol ang tumama sa ilang bahagi ng Pakistan at karatig na Afghanistan nitong Sabado, na nagdulot ng paglabas ng mga residente mula sa kanilang mga bahay dahil sa takot.

Ayon sa Pakistan Meteorological Department, ang sentro ng lindol ay nasa Hindu Kush sa Afghanistan. Samantala, tinaya ng US Geological Survey na magnitude 6.1 ang lakas nito.

Naramdaman ang pagyanig sa Islamabad, Punjab, Khyber Pakhtunkhwa, at Pakistan-administered Kashmir, gayundin sa Kabul at iba pang bahagi ng Afghanistan.

Ayon sa mga awtoridad, wala pang naiulat na nasawi o napinsala matapos ang paunang pagsusuri. Inilagay rin sa alerto ang mga lokal na pamahalaan sa Khyber Pakhtunkhwa bilang pag-iingat.

Paalala ng mga eksperto, madalas makaranas ng malalakas na lindol ang Pakistan at Afghanistan dahil matatagpuan ang mga ito sa isang aktibong seismic zone. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here