Home METRO Higit P82M assistance itinurn-over ni PBBM sa Sulu

Higit P82M assistance itinurn-over ni PBBM sa Sulu

5
0

SULU, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang turnover ceremony ng P82 million na financial assistance sa ilalim ng Socio-Civic Projects Fund (SCPF) sa Sulu provincial government.

Sina Abdusakur Tan III at ang provincial federation of the Association of Barangay Councils (ABC) ang tumanggap ng tseke.

Sa ilalim ng SCPF, may P200,000 ang inilaan sa bawat barangay na may kabuuang 410 para sa Sulu.

Winika pa ng Pangulo na P100,000 mula sa bawat alokasyon ang gagamitin para pondohan ang scholarships para sa limang estudyante kada barangay.

‘Yung natirang P100,000 ay nasa inyo na ‘yun kung saan n’yo gagamitin. Dahil malakas ang paniwala ko na walang nakakaalam sa problema sa isang barangay kung hindi ang mga barangay official,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, pinangunahan din ng Pangulo ang pamamahagi ng rice assistance sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF).

Ani Pangulong Marcos, ang mga benepisaryo ay ‘poor at near-poor families.’

‘Yung sinasabi na kung hindi natin tulungan ay bababa sa poverty line. Sabi ko, ‘yun ang nilalabanan natin para hindi sila bumaba. Bago pa mangyari ‘yan, unahan na natin,” anito pa rin.

Tinatayang 3,000 benepisaryo sa Sulu ang makatatanggap ng tulong.

“Huwag po kayo mag-alala. Ito po ay hindi minsanan lang. Magbibigay kami ng sako ng bigas anim na beses sa loob ng isang taon. So kada dalawang buwan, meron po ulit nito,” anito.

Samantala, pinasalamatan ni Tan ang national government para sa suporta.

“Naghatid kayo sa amin ng pag-asa. Naipakita ninyo sa aming lalawigan, sa mga Tausug, na ang aming probinsya ay kailanman hindi napapabayaan at napag-iiwanan,” aniya pa rin. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here