Home NATIONWIDE P1B kaso laban kina Romualdez, iba pa ibinasura ng QC court

P1B kaso laban kina Romualdez, iba pa ibinasura ng QC court

4
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang P1-bilyong civil case laban kina dating House Speaker Martin Romualdez, dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael Vargas, at iba pa dahil sa kakulangan ng hurisdiksyon.

Ayon sa korte, hindi nito nakuha ang hurisdiksyon sa kaso dahil hindi nabayaran ng mga nagreklamo ang kinakailangang filing fees, kahit naabisuhan na sila noong Pebrero.

Ang reklamo, na inihain noong Disyembre 2025 ng United People’s Against Corruption (UPAC) sa pamamagitan ni dating QC councilor Antonio Enrile Inton Jr., ay may kaugnayan sa umano’y iregularidad sa mga flood control projects sa Quezon City.

Iginiit ng UPAC na bilyun-bilyong piso ang inilaan sa flood control sa distrito ni Vargas ngunit nananatili pa rin ang matinding pagbaha sa ilang lugar.

Sinabi naman ni Inton na umapela na sila sa Court of Appeals (CA) sa pamamagitan ng petition for certiorari. Aniya, hindi ibinasura ang kaso batay sa merito, at nakabinbin pa ito sa appellate court. Ayon din sa kanya, umabot sa P20 milyon ang itinakdang docket fees batay sa hinihinging P1-bilyong danyos.

Samantala, sinabi ni Vargas na ipinapakita ng kabiguang bayaran ang filing fees na walang basehan ang kaso mula pa sa simula.

“We welcome this decision of the court. From the very start, we were confident that this case would not prosper. Gawa-gawa lamang ang mga akusasyon.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here