SANTA ROSA CITY, Laguna – Tatlong menor de edad, kabilang ang dalawang babae at isang lalaki, ang nalunod sa isang lawa sa Barangay Sinalhan nitong Huwebes ng gabi, ayon sa pulisya.
Kinilala ang mga biktima sa mga alyas na LM, 3; MM, 12; at JB, 7, pawang residente ng naturang barangay.
Sa paunang imbestigasyon, naglalaro umano ang mga bata sa ulan bago tumungo sa mas malalim na bahagi ng lawa. Nakita sila ng kanilang lola na nalulunod.
Agad silang sinagip ng mga kapitbahay at isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya. Mary Anne Sapico