Home METRO 15-anyos stude, kinasuhan matapos magdala ng baril sa paaralan

15-anyos stude, kinasuhan matapos magdala ng baril sa paaralan

3
0

CAGAYAN, Philippines – Kinasuhan ang isang 15-anyos na Grade 10 student dahil umano sa pagdadala ng baril sa Aparri School of Arts and Trade sa Cagayan.

Ayon sa pulisya, nahaharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at kasalukuyang nasa pangangalaga ng DSWD.

Sinabi ng estudyante na napulot lamang niya ang .38 caliber revolver sa tabi ng kalsada. Sa halip na isuko ito sa mga awtoridad, ibinaon umano niya ito sa lupa at kalaunan ay dinala sa paaralan matapos umano siyang makaranas ng bullying.

Gayunman, sinabi ng pulisya na walang nakitang ebidensiya na balak niyang manakit ng sinuman sa loob ng paaralan.

Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang baril at isang kutsilyo mula sa isa pang estudyante matapos ipabukas ng principal ang kanilang mga bag kasunod ng isang alitan sa campus. Ang insidente ay nangyari ilang araw matapos ang pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban na ikinasawi ng tatlong estudyante. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here