Home NATIONWIDE Plunder case vs Marcoleta, ‘di ‘targeted’ – Ombudsman

Plunder case vs Marcoleta, ‘di ‘targeted’ – Ombudsman

12
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Office of the Ombudsman ang alegasyong may pinupuntirya sa paghahain ng plunder case laban kay Sen. Rodante Marcoleta at iginiit na bahagi ito ng kampanya laban sa korapsyon.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, hindi “targeted” ang imbestigasyon at layunin nitong palakasin ang pananagutan sa pamahalaan.

“Walang katotohanan po na targeted ang ating efforts. These are genuine efforts na maayos ang ating lipunan para hindi na tayo tawagin na broken society,” ani Clavano sa panayam ng Radyo Pilipinas.

“This is the time po na kailangan na natin ayusin ang ating lipunan. Wala po tayo kinikilingan dito sa ating ginagawa,” dagdag niya.

Inihahanda ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder laban kay Marcoleta dahil umano sa pagtanggap ng P75 milyong campaign contributions mula kina dating congressman Mike Defensor, Aristotle Viray, at Joseph Espiritu, na hindi umano idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Sinabi ni Clavano na nasa Sandiganbayan ang pagpapasya kung maglalabas ito ng warrant of arrest laban kay Marcoleta at sa kanyang mga kapwa akusado. Aniya, nag-ugat ang kaso sa mismong pag-amin ni Marcoleta na tumanggap siya ng P75 milyon bilang campaign contributions.

Inihahanda rin ng Office of the Ombudsman ang mga kaso laban sa mga contractor at iba pang indibidwal na umano’y sangkot sa mga maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Clavano, bahagi ng transparency ng ahensya ang pagsasapubliko ng mga nakabinbing kaso, at binanggit na inanunsyo rin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang iba pang iniimbestigahang kaso sa isang press conference noong Lunes. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here