Home NATIONWIDE Inflation rate nitong Hunyo 2026, mananatiling mataas – BSP

Inflation rate nitong Hunyo 2026, mananatiling mataas – BSP

6
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mananatiling mataas ang inflation sa Hunyo 2026 at posibleng pumalo sa pagitan ng 6 hanggang 7 porsiyento.

Ayon sa BSP, maaaring makatulong ang pagbaba ng presyo ng langis sa lokal na merkado at ng mga pangunahing pagkain tulad ng bigas at karne upang mapabagal ang inflation. Gayunman, maaari itong mabawi ng pagtaas ng singil sa kuryente at presyo ng mga gulay.

Bumaba sa 6.8 porsiyento ang inflation noong Mayo mula sa 7.2 porsiyento noong Abril, ngunit nananatili pa rin itong higit sa target na 2 hanggang 4 porsiyento ng pamahalaan. Itinaas na rin ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang average inflation forecast nito para sa buong taon sa 6 hanggang 7 porsiyento.

Sa huling policy-setting meeting nito, itinaas ng BSP ang key interest rates ng 25 basis points dahil nananatiling mataas ang inflation.

Inaasahang ilalabas ng Philippine Statistics Authority ang opisyal na inflation rate para sa Hunyo sa Hulyo 7.

“The BSP will remain vigilant and guided by incoming data, particularly on inflation and growth prospects. It will continue to monitor recent developments in the Middle East for their implications for inflation and economic activity,” ayon sa BSP.

Sinabi rin ng BSP na ang pagtaas ng presyo ng langis bunsod ng mga pag-atake ng US at Israel sa Iran ang isa sa mga nagtulak sa pagtaas ng inflation mula pa noong Marso.

Ayon sa mga analyst, maaari pang abutin ng ilang buwan bago bumalik sa antas bago ang sigalot sa Gitnang Silangan ang presyo ng mga produktong petrolyo sa kabila ng inaasahang normalisasyon ng pagdaan ng mga oil shipment sa Strait of Hormuz. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here