Home HOME BANNER STORY #WalangPasok, Hunyo 1 sa sama ng panahon

#WalangPasok, Hunyo 1 sa sama ng panahon

4
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng ilang lokal na pamahalaan ang face-to-face classes sa Miyerkoles, Hulyo 1, dahil sa masamang panahon.

Sa Batangas, suspendido ang face-to-face classes sa San Pascual, Balete, San Juan, San Jose, Rosario, Mabini, Taysan, Padre Garcia, Calaca, Ibaan, Lobo, Malvar, Mataasnakahoy, Tuy, Calatagan, Lemery, Lian, Nasugbu, Taal, at Laurel. Sa karamihan ng mga lugar, ipatutupad ang modular, blended, o hybrid asynchronous learning, habang ang iba ay nagdeklara lamang ng suspensiyon sa lahat ng antas.

Sa Laguna, suspendido rin ang face-to-face classes sa Sta. Cruz, Pagsanjan, Pila, Magdalena, San Pablo, Nagcarlan, Bay, Calauan, Liliw, at Victoria. Modular o hybrid asynchronous learning ang ipatutupad depende sa kautusan ng bawat lokal na pamahalaan.

Sa Occidental Mindoro, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Lubang.

Samantala, sa Oriental Mindoro, suspendido ang face-to-face classes mula elementarya hanggang sekondarya sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Mansalay. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here