Home METRO Drill kapag may active shooter, isasagawa sa Davao City

Drill kapag may active shooter, isasagawa sa Davao City

3
0

MANILA, Philippines – Magsasagawa ang Davao City Public Safety and Security Office (PSSO) ng active shooter simulation drills sa mga paaralan upang mapalakas ang kahandaan sa oras ng emergency kasunod ng madugong school shooting sa Tacloban City.

Ayon kay PSSO head Angel Sumagaysay, kailangang sanayin ang mga guro at estudyante kung paano kikilos sakaling mangyari ang katulad na insidente.

Tatlong estudyante ang nasawi at ilan pa ang nasugatan sa nangyaring pamamaril sa isang pampublikong paaralan sa Tacloban City noong Hunyo 22.

Nakikipag-ugnayan na ang PSSO sa iba’t ibang paaralan at sa security cluster ng lungsod para sa pagsasagawa ng simulation exercises.

Sinabi ni Sumagaysay na nakahanda na ang mga police protocol para sa active shooter incidents at maaari ring magdagdag ng mga tauhan upang mapalakas ang seguridad sa mga paaralan.

Gayunman, aminado siyang limitado ang bilang ng mga pulis at pondo para sa karagdagang school security personnel kaya magpapakalat din ang PSSO ng sariling mga tauhan upang tumulong sa seguridad at pamamahala ng trapiko. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here