MANILA, Philippines – HINDI na kailangan ng permit ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) para magsagawa ng mapayapang pagtitipon sa Liwasang Bonifacio dahil isa itong itinalagang Freedom Park.
“Liwasang Bonifacio is a government-designated Freedom Park. As such, the Iglesia ni Cristo (INC) does not need to secure a permit to assemble peacefully in the area,” ayon kay Manila City Administrator Atty. Eduardo “Wardee” P. Quintos XIV.
Inilabas ang pahayag kasunod ng mga ulat na ililipat ng mga nagpoprotestang miyembro ng INC ang kanilang pagtitipon mula sa People Power Monument sa Quezon City patungong Liwasang Bonifacio.
Tinapos ng mga kalahok ang kanilang programa sa Quezon City alas-8:00 ng gabi noong Miyerkules alinsunod sa permit na ibinigay ng lokal na pamahalaan at inatasang linisin ang lugar bago umalis. RNT