MANILA, Philippines – Kumakapal na ang mga nagtutungo sa Liwasang Bonifacio sa Maynila na mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) upang ipagpatuloy ang pagsasagawa ng kanilang kilos protesta.
Ngayong umaga, sinabi ni Major Philipp Ines, ang tagapagsalita ng Manila Police District (MPD) na umabot na sa 1,200 ang crowd estimate sa Liwasang Bonifacio.
Mula sa ibat-ibang lugar ang nakiisa sa protesta na una na ring nagtungo sa EDSA Shrine nitong nagdaang dalawang araw.
Ang pagsasagawa ng INC ng kilos protesta ay bilang mariing pagbatikos sa mga nangyayaring pagbaluktot ng gobyerno sa batas.
Kabilang rito sa kanilang ipinaglalaban ang kanilang kapatiran na si Sen.Rodante Marcoleta na siyang nanguna sa imbestoagsyon ng maanomalyang flood control project ay siya pa ngayon ang kinasuhan ng plunder at ipakukulong.
Una nang naglabas ng pahayag ang pamunuan ng INC na kaisa Sila sa paghahanap ng hustisya, transparency at accountability sa mga nangyayaring malaking nakawan sa kaban ng bayan ngunit ang pagbaluktot sa batas at pilit na pagkakaso kay Marcoleta ay tila Hindi makatarungan.
Samantala, sinuspinde na rin ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang lahat ng klase sa pampubliko at pribadong eskuwelahan dahil sa inaasahang pagbuhos ng mga miyembro ng INC sa Liiwasang Bonifacio na makakaapekto naman sa mahigpit na daloy ng trapiko sa Maynila.
Mamayang hapon, inaasahang sisimulan ng INC ang kanilang programa at inaasahan din na may mga matataas na persobalidad na dadalo gaya sa EDSA Shrine. Jocelyn Tabangcura-Domenden