Home NATIONWIDE DSWD nakapagsilbi ng higit 302,000 libreng pagkain sa Walang Gutom Kitchen

DSWD nakapagsilbi ng higit 302,000 libreng pagkain sa Walang Gutom Kitchen

4
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 302,561 libreng pagkain ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Walang Gutom Kitchen (WGK) program mula nang ilunsad ito noong 2024 hanggang unang kalahati ng 2026.

Ayon sa DSWD, 219,304 na natatangi at nagbabalik na benepisyaryo ang natulungan ng programa, kabilang ang mga pamilyang nasa lansangan at mga nakararanas ng matinding gutom.

Binuksan ang unang Walang Gutom Kitchen sa dating POGO hub sa Pasay City noong Disyembre 2024. Sinundan ito ng mga sangay sa Cebu City noong Hunyo 22 at Zamboanga City noong Hunyo 29.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, layunin ng programa na makatulong sa pagwawakas ng kagutuman at maibalik ang dignidad ng mga nangangailangan.

Aniya, “Ang direktiba kasi ng ating Pangulo is humanap ng napakaraming mga pamamaraan para mawakasan natin ang kagutuman.”

Plano rin ng DSWD na magbukas ng 12 Walang Gutom Kitchen sa iba’t ibang lungsod sa bansa.

Upang matiyak ang masustansyang pagkain, inilunsad din ng ahensya ang Gulay-on-the-Go program katuwang ang mga magsasaka, tindero, at iba pang organisasyon para sa suplay ng sariwang gulay at iba pang pagkain.

Mula 2024 hanggang unang kalahati ng 2026, umabot na rin sa 3,878 volunteers mula sa pribadong sektor, NGOs, pamahalaan, mga paaralan, at civic groups ang tumulong sa operasyon ng programa.

Hinikayat ni Gatchalian ang publiko na magbigay ng food donations at magboluntaryo habang pinalalawak ng DSWD ang Walang Gutom Kitchen sa buong bansa. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here