Home NATIONWIDE Unang beatification sa Vietnam, dinaluhan ng libo-libong Katoliko

Unang beatification sa Vietnam, dinaluhan ng libo-libong Katoliko

3
0

HANOI, Vietnam – Libu-libong Katoliko ang dumalo sa kauna-unahang beatification ceremony na ginanap sa Vietnam noong Huwebes.

Pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle, bilang kinatawan ni Pope Leo XIV, ang misa sa isang simbahan sa Ca Mau para kay Father Francis Xavier Truong Buu Diep, isang pari na pinaslang noong 1946 habang pinoprotektahan ang kanyang mga parokyano.

Sa seremonya, idineklara si Father Diep bilang “Blessed,” ang ikalawang hakbang bago maging santo. Tinatayang nasa 70,000 katao ang dumalo, at marami ang dumating ilang araw bago ang okasyon.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang seremonya ay isang “sandali ng malaking kagalakan para sa mga Katolikong Vietnamese” at isang makasaysayang araw para sa Simbahan.

Ipinakita rin ng kanyang pagdalo ang mas gumagandang ugnayan ng Vietnam at Vatican. Noong 2023, nagkasundo ang dalawang panig na magtalaga ng isang “Resident Papal Representative” sa Vietnam.

May mahigit 7.5 milyong Katoliko sa Vietnam o humigit-kumulang 7.4% ng populasyon. Bagama’t may kalayaan sa relihiyon ayon sa kanilang Konstitusyon, mahigpit pa ring binabantayan ng pamahalaan ang mga relihiyosong organisasyon.

Si Father Diep ay naging kura paroko ng Tac Say Parish noong 1930 at kilala sa pagtulong sa mahihirap, may sakit, at mga biktima ng digmaan. Ayon sa imbestigasyon ng diyosesis noong 2017, pinatay siya ng dalawang Japanese defectors. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here