Home METRO 102 MWP nasakote sa pinaigting manhunt operation sa CALABARZON

102 MWP nasakote sa pinaigting manhunt operation sa CALABARZON

16
0

LAGUNA, Philippines – Nasa 102 katao na pawang wanted person ang nasakote ng mga awtoridad, kabilang ang limang Regional Most Wanted Persons sa loob ng 24 oras sa pinaigting na manhunt operation sa magkakahiwalay na operasyon at lugar sa CALABARZON.

Base sa report na isinumite kay PBGen. Hansel M. Marantan Regional Director ng PRO4 CALABARZON dakong alas – 6:00 ng umaga ( July 1, 2026 ) kahapon nang simulan ang manhunt operation sa bisa ng warrant of arrest na nagtapos ng alas- 6:00 ng umaga kanina ( July 2, 2026) kung saan naaresto ang nasa 102 katao sa Batangas, Laguna , Rizal, Cavite at Antique.

Napag-alaman na ang mga nasakote ay pawang Most Wanted Persons at  kabilang sa nadakip ang limang Regional Most Wanted Persons na nakilala sa alyas Jose sa kasong paglabag sa  RA 9165 ( Comprehensive Dangeroup Drugs Act of  2002) sa Dasmariñas, Cavite, alyas Noelan na nahaharap sa walong kaso na kinabibilangan ng Section 26 RA 8791 ( Securities Regulation Code) at Section 6 RA 10175 ( Cyber Crime Prevention Act of 2012  ) kung saan naaresto sa Barangay San Jose Sico Batangas City,  alyas Roberto na inaresto sa kasong Section 5 at 11 ng RA 9165 ( Comprehensive  Dangerous Drugs Act )  sa Barangay Tagpos Binangonan, Rizal, alyas Christopher , sa kasong Murder Barangay Apgahan Patnongon Antique at alyas Danilo sa kasong Quapified Trafficking matapos na maaresto sa Barangay Banay – Banay Cabuyao City, Laguna.

Ang matagumpay na serye ng mga operasyon ay bunga ng pinaigting na intelligence gathering, mahusay na koordinasyon ng mga police unit, at masusing pagpapatupad ng mga warrant of arrest sa buong rehiyon.

Bukod dito ipinakikita rin nito ang patuloy na pagtutok ng Police Regional Office 4A sa paghahanap at pagdakip sa mga indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest upang mapanagot ang mga ito sa batas.

Ayon kay PBGEN Marantan, ang bawat wanted person na naaaresto ay patunay ng walang humpay na pagsisikap ng kapulisan na tiyaking mananagot sa batas ang mga nagtatago sa hustisya, alinsunod sa mandato ng Philippine National Police at sa Focused Agenda ni Chief, PNP, PGen Jose Melencio C Nartatez Jr.

“Walang ligtas na taguan ang mga wanted persons sa CALABARZON. Hindi titigil ang ating kapulisan hangga’t hindi natin natutunton at naihaharap sa hukuman ang bawat indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest. Ang bawat pag-aresto ay patunay ng ating matatag na kampanya laban sa kriminalidad at mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas, mas mapayapa, at mas maayos na CALABARZON,” ani PBGen Marantan.

Samantala,ang mga narestong 102 suspek ay  kapwa nasa kustodiya  ng mga awtoridad saagkakahiway na himpilan ng pulisya at sumasailalim sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso bago iharap sa mga hukuman na naglabas ng kani-kanilang warrant of arrest. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here