MANILA, Philippines — Binatikos ng National Council on Disability Affairs ang isang TikTok trend na umano’y nanlalait sa persons with disabilities at ginagawang katatawanan ang seryosong kondisyon para sa libangan.
Sa isang pahayag, sinabi ng NCDA na ang “One Wish Willow” trend, na hango sa horror movie na “Obsession,” ay “misuses the phrase ‘I wish I was special’ to ridicule serious conditions for entertainment, which is deeply disrespectful and dehumanizing.”
Ayon sa ahensiya, nai-report na nito ang trend sa TikTok upang ipatupad ang community guidelines. Hinimok din nito ang publiko na i-report ang iba pang content na nangmamaliit o nang-aalipusta sa persons with disabilities.
“Under Section 32 of RA 7277, or the Magna Carta for Persons with Disability (as amended), it is illegal to mock or ridicule persons with disabilities in any media. The law prohibits acts that intimidate or harm their self-esteem. This includes mocking posts on social media like memes, videos, or comments,” ayon sa NCDA.
Dagdag ng NCDA, maaari ring masaklaw ng Cybercrime Prevention Act of 2012 ang mga kaugnay na paglabag, kabilang ang aiding and abetting cybercrimes gaya ng pag-like o pag-share ng derogatory posts, gayundin ang computer-related identity theft kung ang harassment ay may kasamang pagpapanggap bilang isang person with disability.
“The Council urges social media users, content creators, and platform moderators to share uplifting and positive content about persons with disabilities,” pahayag ng ahensiya.
Sa pelikulang “Obsession,” gumamit ang lead male character ng “One Wish Willow” upang hilingin na magustuhan din siya ng babaeng gusto niya, ngunit natupad ang hiling sa paraang hindi niya inaasahan. Dave Baluyot