Home METRO Caretaker patay matapos madaganan ng elevator sa Tondo

Caretaker patay matapos madaganan ng elevator sa Tondo

3
0

MANILA, Philippines — Binawian ng buhay ang isang caretaker ng gusali matapos madaganan ng elevator sa Balut, Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuan ang biktima sa loob ng maintenance room na katabi lamang ng elevator. Pagdating ng mga awtoridad, nakita nilang nakalabas ang ulo ng biktima papunta sa elevator shaft.

Naipit umano ng elevator ang biktima at tinamaan din sa ulo habang iniinspeksyon ang lugar nang mangyari ang insidente.

Ikinagulat ng mga kaanak ng biktima ang pangyayari, lalo na’t paalis na umano ito patungong ibang bansa.

“Nakita natin yung pagitan niya, walang harang. Hindi niya napansin na bumababa itong elevator naipit siya,” sabi ni MPD spokesperson Police Major Philipp Ines.

Handa namang sagutin ng may-ari ng apat na palapag na gusali ang gastos sa burol ng biktima. Gayunman, ayon sa Manila Police District, depende pa rin sa magiging resulta ng imbestigasyon kung may pananagutan ang may-ari ng gusali sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here