Home METRO Mag-live-in partner patay matapos mabangga ng van sa Aklan

Mag-live-in partner patay matapos mabangga ng van sa Aklan

3
0

AKLAN, Philippines — Patay ang mag-live-in partner matapos mabangga ng humaharurot na pampasaherong van ang kanilang motorsiklo sa Tangalan, Aklan.

Makikita sa video footage na papaliko ang mga biktima na sakay ng motorsiklo nang salpukin sila ng van noong Miyerkules ng madaling araw.

Nakaladkad pa ng ilang metro ang mga biktima, na kapwa walang suot na helmet. Hindi na sila umabot nang buhay sa ospital.

Arestado naman ang driver ng van, na umano’y nakikipagkarera sa isa pang van para makakuha ng pasahero.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na nag-overtake umano ang van sa isang sasakyan at hindi napansin ng driver ang motorsiklong papaliko.

“Pagdating sa diversion road sa Barangay Tondog, iyong driver na kinakarera niya, pinagbigyan siya na mauna. Nag-overtake siya kaya lang meron pang isang sasakyan sa harapan niya, at mag-overtake ulit siya. Ngayon, hindi niya napansin na mayroong motor,” ayon kay Police Capt. Jayson Mausig, OIC ng Tangalan Police Station.

Mahaharap ang driver sa reklamong reckless imprudence resulting in two counts of homicide. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here