Home NATIONWIDE Boracay scuba group, 39 miyembro pinagmulta ng PCC ng P2.17M sa price...

Boracay scuba group, 39 miyembro pinagmulta ng PCC ng P2.17M sa price fixing

2
0

MANILA, Philippines – Pinagmulta ng P2.17 milyon ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Boracay scuba association at 39 sa mga member-shops nito sa umano’y paglahok sa price fixing sa Boracay.

Ipinag-utos ang pagpapatigil sa multi-year price fixing agreement ng Boracay Business Administration of Scuba shops (BBASS) at mga miyembro nito.

Napag-alaman ng komisyon na ang BBASS, isang non-stock domestic corporation na itinatag para sa regulasyon at proteksyon ng local diving industry, ay nagsilbing central facilitator para sa price fixing agreement na nakaapekto sa lokal na turismo.

Ayon sa PCC, ito ay paglabag sa Section 14(a)(1) ng Philippine Competition Act.

Ginamit ng grupo ang 2016 rules regulations, kasama ang 2018 at 2019 formal pricing agreements, para alisin ang market competition.

Sa ilalim ng naturang pricing mechanism, ipinapataw ng grupo ang minimum floor prices sa mga aktibidad gaya ng P3,000 para sa discover scuba diving sessions, at hanggang P25,000 para sa open water diver courses.

Inilagay din ng grupo ang komisyon ng mga tour guide, hotel at booking agent sa 10%, maging ang pagbabawal sa mga shop na mag-alok ng incentives sa mga customer katulad ng libreng extra dives, masks, t-shirts, pagkain o mga larawan.

Samantala, iginiit naman ng BBASS at mga miyembro nito na ang fixed rates ay naglalayong protektahan ang mga consumer at masiguro ang stabilized localized livelihoods, at alam umano ito ng lokal na pamahalaan.

Sa kabila nito ay hindi naman tinanggap ng PCC ang mga argumento at sinabing “ruling that price fixing is an outright violation of the law that cannot be justified by economic efficiency or industry protection.”

Hinimok din ng PCC ang lokal na pamahalaan na umayon sa mga ordinansa ng National Competition Policy upang masiguro ang fair at free market competition sa tourism getaways ng bansa.

Ang hakbang na ito ay bahagi rin sa pinaigting na monitoring ng PCC para buwagin ang price fixing agreements at anti-competitive cartels na nakaaapekto sa mga consumer. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here