Bulacan – Arestado sa bisa ng warrant of arrest ang umanoy Top 1 Most Wanted Person (Provincial Level) sa joint operation ng mga awtoridad sa bayan ng San Rafael nitong hapon ng Hulyo 3.
Sa ulat ni PLTCOl Protom Guevarra, hepe ng San Rafael police station. kinilala ang naarestong akusado na si alyas “Pilo”, 36, construction worker at residente ng Brgy. Pinac-Pinacan.
Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon ng San Rafael at. Minalin Police Station ng Pampanga police Office bandang 1:40 ng hapon sa Brgy. Pinac-Pinacan.
Nabatid na ang warrant sa kasong tatlong bilang ng Acts of Lasciviousness in relation to Section 5(b) ng R.A 7610 at tatlong beses ng Sexual Assault under Article 266-A(2) of the Revises Penal Code in relation to Section 5(b) ng R.A 7610 ay inilabas ng Regional Trial Court, Branch 80, Third Judicial Region, Malolos City noong Hunyo 10, 2026.
Sinasabing inirekomenda ng hukuman ang piyansang P540,000 para sa tatlong bilang ng Acts of Ladciviousness at P600,000 sa tatlong bilang ng Sexual Assault.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Rafael police station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso bago iharap sa hukuman na naglabas ng warrant. Dick Mirasol III