Home NATIONWIDE Robin Padilla: Wala pa akong nakilalang disenteng tao na katulad ni Marcoleta

Robin Padilla: Wala pa akong nakilalang disenteng tao na katulad ni Marcoleta

3
0

MANILA, Philippines – “Wala pa po akong nakilalang isang disenteng tao na katulad ni Sen. Rodante Marcoleta.”

Ito ang paglalarawan ni Senador Robin Padilla kaugnay sa kasamahan sa minorya na si Marcoleta nang dumating sa ikatlo at huling araw ng rally ng Iglesia ni Cristo nitong Huwebes, Hulyo 2.

“Marcoleta has never flaunted the fact that he is a lawyer. When he explains the law, everyone understands,” sinabi ni Padilla.

“Marami akong kasamahan sa Senado, mga abo-gago!,” sinabi pa niya.

Ang naganap na rally ng mga miyembro ng INC ay bilang pagsuporta kay Marcoleta matapos na ianunsyo ng Office of the Ombudsman na maghahain ito ng reklamong plunder laban sa senador.

Kinondena ito ng mga miyembro ng INC at tinawag na uri ng “selective justice.”

“Iniisa-isa na po kami. Hindi po magtatagal, maiisyuhan na naman ako,” sinabi pa ni Padilla sa rally.

Nitong Biyernes ay inihain na ng Ombudsman ang reklamo laban kay Marcoleta sa Sandiganbayan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here