Home NATIONWIDE Kilos protesta ikinasa sa DOJ; terror Law ipinababasura

Kilos protesta ikinasa sa DOJ; terror Law ipinababasura

2
0

MANILA, Philippines – Nakiisa sa ginanap na Day of Action Againts Terror Law ngayong araw ang isang labor NGO kasabay ng pagsasagawa ng kilos protesta sa harap ng tanggapan ng Department of Justice (DOJ).

Sinabi ng Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR), na ang Anti-Terrorism Act of 2020 na nagmamarka ng ika-anim na anibersaryo ngayong araw, Hulyo 3, 2026 pati ang Terrorism Financing Prevention and Supression Act of 2012 na ginamit laban sa lehitimong pagtutol at hindi sa tunay na mga terorista.

Sinabi rin ng labor NGO na nag-uutos ang batas ng 12 taong pagkakabilanggo sa sinumang mapatunayang guilty bilang kasabay sa mga gawaing terorismo, at 14 na araw na detention ng suspension nang walang warrant of arrest na maaaring pahabain pa ng karagdagang 10 araw.

Kaya naman sigaw ng mga nagprotesta na ibasura ang Terror Law at iginiit na ang mga aktibista ay hindi mga terorista.

Panawagan din ng mga protesters na palayain na ang mga unionist at tigilan na ang pag-atake laban sa mga manggagagawa.

“The truth is that Filipino don’t live in fear of terrorist attacks many Filipino are speaking out on social media and joining protests because of socio-economic problems and government policy. Government repression is a greater threat to Filipinos than terrorist attacks, and that is what this law legalizes,” sinabi ni Kamanggagawa Deligente CTUHR executive director. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here