Home NATIONWIDE Pinas handa para sa phaseout ng concessional ODA loans- DEPDev

Pinas handa para sa phaseout ng concessional ODA loans- DEPDev

2
0

MANILA, Philippines – MAY SAPAT na buffers ang Pilipinas para pagaanin ang pag-phaseout ng concessional Official Development Assistance (ODA) kasunod ng pag-upgrade ng bansa sa upper-middle income economy status.

Ang Concessional ODA ay tumutukoy sa foreign aid loans na ipinaaabot ng mga gobyerno or multilateral institutions sa developing nations.

Sinabi ni Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Undersecretary Rosemarie Edillon na ang pag-phaseout ng concessional loans ay may kasamang three-year transition period, binibigyan ang bansa ng panahon na makapag-adjust sa pamamagitan ng mga hakbang at batas na kaakibat nito.

Kabilang dito ay ang Public-Private Partnership (PPP) Code of the Philippines, o Republic Act 11966, na nilagdaan upang maging ganap na batas noong Dec. 5, 2023.

“The law provides an alternative source of financing by enabling the implementation of government programs and infrastructure projects with private sector participation, reducing reliance on multilateral institutions and other providers of concessional financing,” ayon kay Edillon.

Aniya pa, pinagtibay ng PPP Code ang legal framework na kailangan para makapanghikayat ng private sector investments para sa imprastraktura at iba pang mga pangunahing proyekto.

“And this one will actually free up resources para naman doon sa mga kailangan ng spending ng gobyerno na hindi papasukan ng private sector. So, nakalatag na iyong ating legal and policy framework para diyan,” anito.

Nauna rito, kinumpirma ng World Bank (WB) ang katayuan ng Pilipinas bilang isang upper-middle-income country (UMIC) matapos nitong malampasan ang gross national income (GNI) per capita sa itinakdang antas para sa mga bansang kabilang sa nasabing kategorya.

Sa pinakahuling pagsusuri ng World Bank sa antas ng kita ng mga bansa ngayong Hulyo, iniulat na umabot na sa $4,850 ang GNI per capita ng Pilipinas, na mas mataas kaysa sa $4,636 na itinakdang threshold para sa UMIC.

“So, dahil nga nasa upper-middle income country tayo, again there is now that facility for them so ang kailangan lang is magtuluy-tuloy, magtuluy-tuloy itong ating magandang pinapakita in terms of macroeconomic fundamentals, in terms of policy stability,” ang sinabi pa rin ni Edillon. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here