Home NATIONWIDE 40 patay sa pagtalon ng bus sa bangin sa Pakistan

40 patay sa pagtalon ng bus sa bangin sa Pakistan

3
0

PAKISTAN – Umabot sa 40 katao ang nasawi habang walo ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang isang mabilis at siksikang pampasaherong bus sa Pakistan nitong Biyernes, Hulyo 3.

Ayon kay Shahid Rind, tagapagsalita ng pamahalaan ng Balochistan, nawalan ng kontrol ang bus at bumulusok sa bangin sa Dana Sar, isang liblib na lugar malapit sa hangganan ng mga lalawigan ng Balochistan at Khyber Pakhtunkhwa.

Sinabi ni Rind na bukod sa mga orihinal na pasahero nito, isinakay rin ng bus ang mga pasahero mula sa isa pang bus na nasiraan, dahilan upang maging sobra-sobra ang karga ng sasakyan.

Patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

Ayon sa isa sa mga nakaligtas, nagkaroon umano ng pagtatalo sa loob ng bus matapos tumigil ang driver upang magsakay ng karagdagang pasahero.

Aniya, may isang pasahero umanong sumunggab sa leeg ng driver, dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa manibela bago tuluyang mahulog ang bus sa bangin.

Hindi pa beripikado ang naturang salaysay at patuloy itong iniimbestigahan ng pulisya.

Nahirapan ang mga rescue team na marating ang lugar ng aksidente dahil nasa humigit-kumulang 25 metro (80 talampakan) ang lalim ng bangin.

Tinulungan sila ng mga paramilitary forces sa pagkuha sa mga bangkay at paglilikas sa mga sugatan gamit ang mga stretcher at improvised carts.

Ayon kay regional administrator Hazrat Wali Kakar, dinala ang mga biktima sa mga kalapit na ospital.

Karamihan sa mga nasawi ay nakilala na sa pamamagitan ng kanilang mga dokumento, bagaman tatlong bangkay ang hindi pa nakikilala.

Sinabi naman ng mga rescue official na 48 pasahero ang sakay ng bus nang mangyari ang trahedya.

Nagpaabot ng pakikiramay si Pakistani President Asif Ali Zardari sa mga pamilya ng mga nasawi at nakiramay sa mga biktima ng aksidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here