Home NATIONWIDE DOF umaasang maging libre mga digital fund transfer

DOF umaasang maging libre mga digital fund transfer

4
0

MANILA, Philippines – Umaasa si Finance Secretary Frederick Go na magiging libre na sa hinaharap ang halos lahat ng digital transactions, kabilang ang interbank at intrabank fund transfers.

“I am hopeful that almost all digital transactions will soon be free of charge,” ani Go.

Ang pahayag ay kasunod ng pag-anunsyo ng dalawang bangko na aalisin ang bayad sa interbank transfers. Simula Hulyo 1, permanente nang libre ang InstaPay at PESONet transfers ng Bank of the Philippine Islands (BPI), habang libre na rin ang InstaPay transfers ng RCBC simula Hulyo 4.

Ayon naman kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona Jr., inaasahan niyang mas marami pang bangko ang mag-aalis ng transfer fees dahil sa bagong patakaran ng BSP.

Sa ilalim ng BSP Circular 1238, ang singil sa digital transfers ay dapat nakabatay lamang sa aktuwal na processing o “switch cost,” na tinatayang nasa P1.50 bawat transaksyon. Nakasaad din na ang digital transaction fees ay dapat mas mababa kaysa over-the-counter banking fees at matatanggap ng recipient ang buong halagang ipinadala nang walang kaltas. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here