Home METRO P2.6M ismagel yosi, nasabat sa NegOr; 4 lalaki, arestado

P2.6M ismagel yosi, nasabat sa NegOr; 4 lalaki, arestado

3
0
Image Representation Only

NEGROS ORIENTAL, Philippines – Apat na lalaki ang inaresto matapos masabat ng pulisya ang tinatayang P2.6 milyong halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa Vallehermoso, Negros Oriental.

Ayon kay Capt. Stephen Polinar, tagapagsalita ng Negros Oriental Police Provincial Office, nakatanggap sila ng impormasyon na may dalawang sasakyang nagdadala ng umano’y smuggled na sigarilyo mula Guihulngan City patungong Vallehermoso kaya agad silang naglagay ng checkpoints bandang alas-3 ng madaling araw.

Habang umiiwas sa mga checkpoint, naaksidente ang dalawang sasakyan sa magkahiwalay na lugar sa Vallehermoso.

Nasamsam ng mga awtoridad ang 29 master cases at 1,184 reams ng hinihinalang smuggled na sigarilyo.

Sa Barangay Puan, nawalan umano ng kontrol ang isang sasakyan kaya tumilapon ang ilang kahon ng sigarilyo. Nailigtas ang driver at inaresto ang kanyang kasama.

Sa Barangay Molobolo naman, bumangga ang isa pang sasakyan sa gilid ng kalsada, dahilan upang masugatan ang driver at pasahero. Dinala silang lahat sa Vallehermoso Rural Health Unit.

Ang apat na suspek ay mula sa Misamis Oriental, Lanao del Sur, at Escalante City sa Negros Occidental. Nasa kustodiya na sila ng pulisya habang inihahanda ang kaukulang mga kaso laban sa kanila. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here