Home HOME BANNER STORY Bank transfer fee, ibinaba ng GCash sa P10

Bank transfer fee, ibinaba ng GCash sa P10

4
0

MANILA, Philippines – Ibinaba ng GCash ang bayad sa bank transfer mula P15 naging P10 simula Hulyo 4.

Ayon sa Terms and Conditions ng GCash, P10 na lamang ang singil sa bawat InstaPay transaction. Wala itong minimum na halaga, ngunit hanggang P50,000 lamang ang maaaring ilipat sa bawat transaksyon.

Wala namang pagbabago sa pagpapadala at pagtanggap ng pera sa kapwa GCash users. Patuloy na may 500 libreng send at receive transactions bawat buwan, at may P5 na bayad sa piling users kapag lumampas sa limitasyon.

Nauna nang inanunsyo ng RCBC na libre na ang InstaPay transfers simula Hulyo 4, habang permanenteng inalis din ng BPI ang bayad sa InstaPay at PESONet interbank transfers simula Hulyo 1.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), inaasahang mas marami pang bangko ang magbabawas o mag-aalis ng transfer fees bilang pagsunod sa BSP Circular No. 1238, na nagtatakdang ang singil sa interbank transfers ay dapat nakabatay lamang sa aktuwal na “switch cost” o gastos sa pagproseso ng transaksyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here