Home METRO Delivery rider utas sa pampasaherong bus

Delivery rider utas sa pampasaherong bus

4
0

LA UNION, Philippines – Hindi nakaligtas sa kalawit ni Kamatayan ang isang 38-anyos na lalaki matapos na aksidenteng mabangga ng isang  pampasaherong bus ang minamaneho nitong motorsiklo sa national highway sa Brgy. San Martin, Bacnotan ng lalawigang ito  nitong madaling-araw ng Linggo, Hulyo 5.

Ayon sa Bacnotan Municipal Police Station, ang driver ng Yamaha Mio motorcycle ay residente ng naturang bayan, may asawa, isang delivery rider.

Ang 45-anyos na driver ng pampasaherong bus ay residente ng Pinili, Ilocos Norte.

Bumibiyahe papuntang hilaga ang motorsiklo samantalang papunta naman ng timog ang bus.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, sinasabing nag-overtake umano ang bus at hindi sinasadyang nasakop nito ang kabilang lane na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan.

Nagtamo ng severe injuries ang driver ng motorsiklo na agad na isinugod sa Bacnotan District Hospital.

Gayunman, ang driver ng motorsiklo ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here