Home METRO 25 anyos na nanggahasa, arestado sa manhunt ops sa Caloocan

25 anyos na nanggahasa, arestado sa manhunt ops sa Caloocan

3
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang 25-anyos na kelot na wanted sa kaso ng pangaggahasa sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado ay kapwa nakatala bilang No. 2 sa Top Ten Most Wanted Person sa NPD at sa Caloocan City Police Station.

Isinagawa ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Women and Children Protection Desk ng Caloocan Police ang joint operation laban sa akusado kasunod ng natanggap na ulat hinggil sa kinaroroonan nito.

Nasukol ng tumutugis na kapulisan ang akusado sa Apitong Street, Pleasant View, Bagbaguin, Brgy. 165, ng nasabing lungsod kung saan isinilbi sa kanya ang warrant of arrest para sa kasong Rape.

Ang warrant ay inisyu ng Regional Trial Court, Branch 131, Caloocan City, noong June 8, 2026 na walang inirekomendang piyansa. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here