Home METRO Ama todas sa sapak ng anak

Ama todas sa sapak ng anak

4
0

BULACAN, Philippines – Patay ang 60 anyos na magsasaka nang sapakin ng todo ng lasing na anak sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong gabi ng Hulyo 2.

Sa ulat ng SJDM police station, kinilala ang suspek na si alyas “Mark”, 35, binata, construction worker habang ang biktima ay si alyas “ Mar”, farmer, kapwa residente ng Brgy. Kaypian.

Ayon sa ulat ng istasyon, naganap ang insidente bandang 6:00 ng gabi sa Sitio Kaysuba ng nasabing barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon, isang nagngangalang Azon ang naglilinis ng bakuran nang biglang dumating ang suspek na lasing at walang kaabog-abog na pinagmumura ito.

Dahil dito, nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng palakol ang suspek at inatake umano si Azon subalit masuwerteng nakailag.

Umawat ang ama ng suspek na naroroon subalit sa sobrang kalasingan nito ay sinuntok niya ito hanggang sa bumagsak at nawalan ng malay.

Dali-daling dinala ang biktimang nagtamo ng severe head injuries sa ospital para sa medical treatment subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Nang makarating sa mga tauhan ng istasyon ang nangyari ay agad nagsagawa ng follow-up operation kaya nahuli ang suspek na nahaharap sa kasong Parricide. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here