Home NATIONWIDE Ugnayan ng Pinas, Amerika, lumalaking mas malakas, mas malawak – PBBM

Ugnayan ng Pinas, Amerika, lumalaking mas malakas, mas malawak – PBBM

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na ikinalulugod ng Pilipinas at Estados Unidos ang malakas at malawak na relasyon nito.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang kalagayan ng ugnayan ng Maynila at Washington ay nananatiling matatag habang lumalaking mas malakas sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“On our relations with the United States, well, those really have not changed status since I came into office. We just keep growing stronger together,” ani Pangulong Marcos.

Aniya, nananatling “strong partners for over a hundred years” ang Pilipinas at Estados Unidos na may bilateral engagements na nagiging mas malawak at mas malalim sa paglipas ng panahon.

idinagdag pa nito na ginagalugad ng dalawang bansa ang mga bagong aspeto ng pagtutulungan sa pamamagitan ng umuusbong na teknolohiya.

“And we, in that time, our engagements with the United States have become deeper, have become more expansive and now with the new sectors that are being created by the new technologies, we have new areas even to explore,” ang winika ni Pangulong Marcos.

“So, patuloy lang , it is a strong and it is as active as it has ever been if not more so than before,” aniya pa rin. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here