Home NATIONWIDE 50-anyos arestado sa sexual abuse sa aso

50-anyos arestado sa sexual abuse sa aso

3
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang 50-anyos na vendor sa Tacloban City matapos umanong mahuling inaabuso ang isang alagang Dachshund dakong bago maghatinggabi nitong Sabado, ayon sa pulisya.

Batay sa police report, inimbitahan umano ang suspek ng isa sa mga kaanak ng complainant na makisali sa inuman bago nangyari ang insidente.

Maya-maya ay nagpaalam ang suspek na gagamit ng comfort room, ngunit narinig ng complainant at ng kanyang mga anak na babae ang malakas na iyak ng kanilang brown female Dachshund.

“The family followed the dog’s cries and allegedly found the suspect holding the dog while his genitalia penetrated the animal’s genital organ,” ayon sa police report.

“The complainant immediately confronted the suspect and ordered him to release the dog, which sustained a serious injury to its genital organ,” dagdag pa nito.

Humingi ng tulong sa pulisya ang complainant kaya agad rumesponde ang mga tauhan ng Tacloban City Police Office Station 2 at inaresto ang suspek.

Naghain na ang mga awtoridad ng reklamo laban sa suspek dahil sa paglabag sa Republic Act 8485, na inamyendahan ng Republic Act 10631, o ang Animal Welfare Act. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here