Home NATIONWIDE ‘Strong’ El Niño, muling ibinabala ng WMO

‘Strong’ El Niño, muling ibinabala ng WMO

1
0

MANILA, Philippines – Nabuo na ang El Niño conditions sa tropical Pacific at inaasahang mabilis pang lalakas sa mga susunod na buwan, na maaaring magpataas sa posibilidad ng heatwaves, tagtuyot, malalakas na pag-ulan at iba pang extreme weather events sa maraming bahagi ng mundo, ayon sa World Meteorological Organization.

Sa WMO Global Seasonal Climate Update, ipinakita ang mabilis na pag-usbong ng isang strong El Niño event mula Hulyo hanggang Setyembre 2026, batay sa forecasts mula sa mga pangunahing global centers na nagsasaad ng malaking pag-init ng ocean temperatures sa central at eastern equatorial Pacific. Inaasahang lalampas sa 2°C ang seasonal-average sea-surface temperature anomalies sa mahahalagang monitoring regions.

Ayon sa WMO, nagpapakita ng malakas na pagkakatugma ang forecast models, kaya mataas ang kumpiyansa na patuloy pang lalakas ang El Niño sa Northern Hemisphere autumn at makaaapekto sa weather patterns sa iba’t ibang rehiyon. Inaasahan ding mananatiling mas mainit kaysa karaniwan ang equatorial Atlantic basin.

“El Niño conditions are already underway and are forecast to strengthen rapidly into a strong event – as accurately anticipated by WMO forecasts. This will intensify the chances of drought and heavy rainfall and the risk of heatwaves on land and marine heatwaves in many regions of the world,” said WMO Secretary-General Celeste Saulo.

“The WMO community has launched an unprecedented mobilization to coordinate activities across the United Nations and at regional level to support governments, humanitarian organizations and climate-sensitive sectors. Advanced seasonal forecasts and early warnings are vital to save lives and cushion the impact on our economies and our communities,” she said.

Sinabi ng WMO na pinaiigting nito ang koordinasyon, climate information services, at early warning support upang matulungan ang mga pamahalaan, humanitarian agencies, sektor ng agrikultura at kalusugan, at vulnerable communities na makapaghanda sa posibleng epekto ng El Niño.

Ang El Niño at La Niña ay magkasalungat na bahagi ng El Niño–Southern Oscillation, o ENSO, na isa sa pinakamalakas na salik sa pabago-bagong klima kada taon. Ang El Niño ay isang natural na climate pattern na may above-average sea-surface temperatures sa central at eastern equatorial Pacific Ocean.

Karaniwang nangyayari ang El Niño kada dalawa hanggang pitong taon at tumatagal ng siyam hanggang 12 buwan. Madalas itong magsimulang mabuo mula Marso hanggang Hunyo, umabot sa rurok mula Nobyembre hanggang Pebrero, at may pinakamalakas na epekto sa global temperatures sa taon matapos itong magsimula.

Ayon sa WMO, nag-iiba-iba ang epekto ng bawat El Niño depende sa lakas, tagal, panahon ng pagbuo, at interaksiyon nito sa iba pang climate patterns tulad ng Indian Ocean Dipole. Nilinaw din ng ahensya na ang terminong “super El Niño” ay hindi bahagi ng operational classification system nito, na gumagamit lamang ng weak, moderate, strong, at very strong.

Sa outlook para Hulyo hanggang Setyembre 2026, nakikita ang napakataas na posibilidad ng above-average temperatures sa karamihan ng land areas sa pagitan ng 60°S at 60°N, na sumasaklaw sa halos lahat ng populated areas sa labas ng Polar regions. Inaasahan din ang above-normal sea surface temperatures sa equatorial Pacific east of the Date Line, Indian Ocean, at tropical Atlantic.

Sa pag-ulan, sinabi ng WMO na tugma ang outlook sa lumalakas na El Niño. Inaasahan ang above-normal rainfall sa central at eastern equatorial Pacific, habang mas mataas ang posibilidad ng below-normal rainfall sa ilang bahagi ng tropical Indian Ocean, Indian subcontinent, malaking bahagi ng Australia, ilang bahagi ng Central America, Caribbean, at northwestern South America.

Ipinakita rin ng outlook ang posibilidad ng above-normal rainfall sa mga lugar malapit sa northern Gulf of Guinea, ngunit below-normal rainfall naman sa Greater Horn of Africa. Mas basang kondisyon ang inaasahan sa ilang bahagi ng southwestern United States, habang sa Europe ay posibleng makaranas ng above-normal rainfall sa southern Europe at below-normal rainfall sa northern Europe, bagama’t mas mababa ang forecast confidence para sa rehiyong ito.

Sinabi ng WMO na nagsasagawa ito ng regular briefings sa United Nations system at humanitarian partners, habang naghahanda rin ng webinars at technical exchanges upang palakasin ang regional preparedness sa lumilitaw na El Niño event. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here