Home NATIONWIDE Eala, binati ni PBBM sa tagumpay sa Wimbledon

Eala, binati ni PBBM sa tagumpay sa Wimbledon

3
0

MANILA, Philippines – Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Pinay tennis sensation Alex Eala matapos ang makasaysayang kampanya nito sa Wimbledon Championships sa England.

Sa isang social media post, sinabi ni Marcos na ang tagumpay ni Eala ay isang “moment of national pride and inspiration for Filipinos.”

“There are days when an entire nation celebrates together. Today is one of those days,” ayon sa Pangulo.

“Congratulations, Alex Eala! You have become the first Filipino ever to reach the fourth round of Wimbledon, and the whole country couldn’t be prouder,” aniya pa rin.

Umakyat si Eala sa fourth round matapos talunin ang defending Wimbledon champion at world No. 3 Iga Swiatek ng Poland, 7-6(9), 6-2, sa kanilang third-round match noong Sabado, London time. Nauna na ring pinataob ni Eala ang Australian na si Maya Joint sa torneo.

Inalala rin ni Marcos ang kanyang naunang pahayag na ang mga breakthrough performance ni Eala ay simula pa lamang ng kanyang journey.

“I said before that this was only the beginning. Watching you today, I couldn’t be more convinced. You’re just getting started,” ayon sa Pangulo.

Pinasalamatan din ng Pangulo si Eala sa pagbibigay-inspirasyon sa mga kabataang Pilipino na abutin ang kanilang mga pangarap.

“The whole Filipino nation is cheering you on. Thank you for showing young Filipinos that they, too, can dream big and reach the world’s biggest stage,” aniya pa rin.

“Keep going, Alex. We are behind you all the way. Laban!”ang sinabi ng Pangulo.

Si Eala ay isang Pilipinang professional tennis player na umabot sa career-high singles ranking na world No. 29 sa WTA noong Marso 16, 2026, dahilan upang siya ang maging pinakamataas na ranked Filipina sa kasaysayan ng WTA.

Susunod na makakaharap ni Eala si world No. 13 Jasmine Paolini ng Italy, ang 2024 Wimbledon runner-up, sa fourth round. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here