Home NATIONWIDE SP Gatchalian mamumuno sa impeachment trial vs VP Sara

SP Gatchalian mamumuno sa impeachment trial vs VP Sara

3
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Senate President Sherwin Gatchalian nitong Lunes na siya ang mamumuno sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa pagsisimula ng pormal na proceedings sa Senado dakong alas-2 ng hapon.

“Like I said, nasa rules natin na Senate President and magpe-preside,” pahayag ni Gatchalian sa mga reporter sa isang chance interview matapos ang flag-raising ceremony sa Senado.

Ayon sa Senate President, handa na ang kapulungan sa pagbubukas ng trial at hinikayat ang lahat ng senator-judges na dumalo sa proceedings sa gitna ng mga ulat hinggil sa umano’y posibleng boycott.

“Not sure kung ano yung mga posibilities na yan pero of course, ine-encourage natin ang mga senator-judges to attend,” ani Gatchalian.

Sinabi niya na bahagi ng constitutional duty ng Senado ang impeachment trial at dapat itong masimulan at matapos agad upang makabalik ang mga senador sa kanilang regular na tungkulin, kabilang ang paggawa ng batas, mga imbestigasyon, at pagtalakay sa budget.

“It is our constitutional duty at hinahantay ng taumbayan na masimulan ito at matapos rin kaagad para makabalik na sa normal nating responsibilities: legislative, investigations and of course the budget, pinakamahalaga ang budget dahil ang ekonomiya natin ngyon ay bumabagal. Ito yung mga nakikita kong dapat matalakay in the next few months,” dagdag niya.

Samantala, sinabi ni Gatchalian na wala pang kumpirmasyon mula sa kampo ni Vice President Duterte kung haharap ito sa impeachment court alinsunod sa notice na inilabas sa kaniya noong July 2.

“Walang pasabi sa amin. Nag-coordinate rin ako sa OSAA at wala pa namang pasabi. Pinaghandaan naman in any eventuality,” dagdag pa niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here