UNITED STATES – Makikipagkita si US President Donald Trump kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy habang nasa Turkey ngayong linggo para sa NATO summit sa pagsusulong ng pagwawakas ng giyera sa Ukraine, ayon sa isang senior US official nitong Linggo, Hulyo 5.
Si Trump ay nakatakdang dumating sa summit bukas.
Ang unang meeting ay sa summit host na si Turkish President Tayyip Erdogan.
Makikipagkita rin si Trump kay Syrian President Ahmed al-Sharaa at magdaraos ng press conference.
“The battlefield has clearly frozen over the last couple of months and neither side is making a lot of progress,” sinabi ng opisyal.
“The president feels a real sense of urgency to try to bring this to a stop.”
Hihimukin din ni Trump ang mga kaalyado sa NATO na taasan ang kanilang defense spending. RNT/JGC