MANILA, Philippines – PINAKILOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa paghahanda sa napipintong pagpasok ng super typhoon sa bansa at magpalakas ng southwest monsoon o Habagat.
“Ito naman po ay whole-of-government approach so lahat po ng ahensiya na-involve ay kailangan pong kumilos – iyan po ang utos ng Pangulo,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Lunes, Hunyo 6.
Kabilang aniya sa mga utos ng Pangulo sa National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) ay magsagawa ng
pre-disaster risk assessment scenario meetings, at panatilihing naka-standby ang NDRRMC at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) response clusters.
Magbigay at magpalabas ng alert warning at information campaign sa lahat ng channels at platforms.
Magpatupad ng preemptive evacuations sa high-risk areas; i-secure ang safe evacuation centers at maglagay ng livestock equipment zones; i-preposition ang rescue teams, relief goods at essential supplies, kabilang ang mga special needs, at tukuyin ang alternate routes.
Magpatupad ng sea travel bans at inspeksyunin ang mahahalagang imprastraktura at magbigay ng maagang tulong sa vulnerable sectors at i-monitor public health risk gaya ng flood related diseases.
Sa ulat, inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon na may international name na “Bavi” bukas ng gabi o madaling araw ng Miyerkules, Hulyo 08, 2026. KRIS JOSE