Home NATIONWIDE NIA Region 02, nagtatanim ng puno sa mga watershed area

NIA Region 02, nagtatanim ng puno sa mga watershed area

2
0

PEÑABLANCA, Cagayan – Umaabot sa 3,300 na ibat-ibang uri ng puno ang itinanim ng mga kawani at empleyado ng National Irrigation Administration o NIA Region 02 bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-63 Anibersaryo ng nasabing ahensya na sabayang pagtatanim sa boung bansa na may temang ‘Kagubatan Kinalinga, Irrigasyong Sagana’ sa ibat-ibang probinsya ng nasabing rehiyon o Lambak ng Cagayan

Pinangunahan ni Regional Manager Engr. Raymundo B. Apil ng NIA Region 02 ang pakikiisa sa sabayang pagtatanim o nationwide tree planting bilang tugon sa pagmamahal sa inang kalikasan at pangangalaga sa mga watershed area.

Mismo sa kabundukan bahagi ng Barangay Abariongan Uneg, Sto. Niño, Cagayan kung saan itinatayo ang dam (Calapangan Small Reservoir Irrigation Project Watershed Management Area) ang tinamnan na pinangunahan ni Acting Division Manager Engr. Jason Bryan Teaño ng Cagayan Batanes Irrigation Management Office o CBIMO at kanyang mga empleyado.

Pinangunahan ni Division Managet Engr. Edison Tolentino at kanyang mga kasamahan empleyado ng NIA Isabela IMO sa bahagi ng kabundukan ng Brgy. San Vicente (“Tupa”), San Pablo, Isabela; at TWNP Antagan 1st, Tumauini, Isabela ang pagtatanim ng ibat-ibang uri ng puno.

Inorganisa rin ni Engineering and Operation Division Manager Engr. Orlando Cabilangan ng NIA Nueva VIzcaya IMO sa bahagi ng kabundukan ng Brgy. Paitan, Bayombong, Nueva Vizcaya at sa NIA Quirino IMO ay tinamnan din ang bulubundukin bahagi ng Brgy. Cabugao, Aglipay, Quirino.

Sa malawakang pagkilos at sama-samang diwa ng “Bayanihan,” umabot sa kabuuang 3,300 punla ang naitanim sa iba’t ibang planting sites sa nabanggit na provinsya.

Kabilang dito ang 2,350 forest tree seedlings na binubuo ng Narra (850), Kawayan (430), Tuai (250), Dao (200), Kamagong (190), Molave (180), Kalumpit (150), Ipil (50), at Yakal (50).

Sa 950 fruit-bearing tree seedlings ay 950 ang naitanim kabilang ang Calamansi (140), Mangga (360), Guyabano (150), Kape (100), Pomelo (100), Niyog (50), Star Apple (20), Lemon (10), Jackfruit (10), at Pomegranate (10).

Ayon kay Engr. Apil, ang pagtatanim ng mga punoay sumisimbolo ng pag-asa at pangakong pangalagaan ang mga watershed na nagsisilbing mahalagang pinagkukunan ng tubig para sa mga proyektong irigasyon sa rehiyon para sa mga magsasaka.

Sa pangangalaga sa mga watershed areas ay higit na napatitibay ang sapat at tuluy-tuloy na suplay ng tubig para sa produksyon ng agrikultura at kabuhayan ng mga magsasaka.

Sa inisyatibo ng NIA ay nakiisa ang Provincial at Local Government Units, Department of Environment and Natural Resources – Protected Area Management Office (DENR-PAMO), Provincial Natural Resources and Environment Office (PNREO), mga opisyal ng barangay, at mga Irrigators Associations (IAs).

Habang isinasagawa ang nationwide tree planting ay tiniyak din ng kasundaluhan at kapulisan ang seguridad ng lahat o nakiisa sa makabuluhan at matagumpay na aktibidad sa pangangalaga sa kalikasan para sa matatag na wateshed tungo sa mas masaganang ani para sa mga susunod na henerasyon ng mga tinaguriang Bagong Bayaning Magsasaka. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here