Home HOME BANNER STORY VP Sara ‘no show’ sa unang hearing ng kanyang impeachment

VP Sara ‘no show’ sa unang hearing ng kanyang impeachment

2
0

MANILA, Philippines – Hindi sumipot si Vice President Sara Duterte sa unang araw ng kanyang impeachment trial sa Senado at iginiit ng kanyang mga abogado na karapatan ng Pangalawang Pangulo kung naisin nitong ang legal counsel ang kumatawan sa kanya sa paglilitis.

“VP Duterte has chosen to appear by counsel at its her right that her appearance remain through counsel,” paliwanag ni Defense Team Spokesperson Atty Michael Poa.

Nilinaw ni Poa na naaayon din sa impeachment rules kung tanging mga abogado ang haharap sa trial.

Idinagdag pa ni Poa na bagamat sa Senado si Duterte ay matagal na itong handa sa paglilitis,

“She’s been preparing actually more than a year,” dagdag ni Poa.

Tumanggi naman si Poa na ilahad ang magiging estratehiya ng depensa partikular na kung dadalo pa sa mga susunod na araw si Duterte, aniya, “that will depend how will proceedings go. We will advise her accordingly,” pagtatapos ni Poa.

Matatandaan na hinamon ng prosecution team si Duterte na dumalo sa impeachment upang personal nitong sagutin ang mga kasong isinampa laban dito. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here