COTABATO- NAG-ALOK ng halagang P100,000 ang lokal na pamahalaan ng Kabacan sa lalawigang ito para sa mabilis na pag-aresto sa isang lolo na umano’y pangmomolestiya sa 9-anyos na batang babae, iniulat kahapon sa naturang bayan.
Batay sa report, makikita sa CCTV footage na naglalakad ang bata na nakasuot pa ng school uniform pauwi sa kanilang bahay.
Dito, nilapitan siya ng suspek at inalok na siya na ang magbibitbit ng kanyang mga gamit.
Subalit, dinala ito ng suspek sa isang inn at duon pinaghahalikan sa maselang parte ng katawan.
Nagawa naman makatkabo ng bata palabas ng inn habang ang suspek at nagpunta sa kahera ng inn at kinukuha ang kanyang refund saka mabilis na tumakas.
Nasa pangangalaga ng kaniyang magulang bata at sasailalim sa intervention ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD).
Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa mga magulang na hangga’t maaari ay sunduin at ihatid ang kanilang mga anak na menor de edad pagpasok sa paaralan. Mary Anne Sapico