Home METRO Vlogger nangisay habang kumakanta, patay

Vlogger nangisay habang kumakanta, patay

1
0

ANTIQUE — Patay ang isang vlogger matapos umanong makuryente habang kumakanta sa videoke sa isang isla sa bayan ng Culasi.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Angel Salazar Memorial General Hospital ang biktima na kinilalang si Estong Istomyte Capendit, nasa hustong gulang at taga-Culasi, Antique.

Batay sa report ng Culasi Municipal Police Station, bandang 12:00 p.m. noong Hulyo 6, 2026 nang naganap ang insidente sa isang isla sa nasabing bayan.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na kumakanta ang biktima habang hawak ang mikropono nang bigla na lamang itong makuryente.

Agad namang dinala sa nabanggit na pagamutan ang biktima subalit kalaunan ay nalagutan din ito ng hininga.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nabanggit na insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here