Manila, Philippines — Kinilala ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang pagsisikap at tagumpay na tinamasa ng Pinay tennis star na si Alex Eala kasunod ng makasaysayang panalo sa Wimbledon.
Ang tagumpay ni Eala, ayon sa Speaker, ay nagtaas sa kalagayan ng Pilipinas sa aspeto ng tennis, kung saan nagbigay din ito ng inspirasyon sa milyun-milyong Pinoy.
“Hindi man nagtapos sa panalo ang makasaysayang kampanya mo sa Wimbledon, Alex, panalo ka pa rin sa puso ng bawat Pilipino,” sinabi ni Dy.
Binigyang-diin pa ni Dy na ang tagumpay ni Eala ay bunga ng kaniyang determinasyon, pagsusumikap na umangat sa buong mundo, at makonsidera bilang “world’s rising tennis star.”
Kasabay nito ay nagpaabot ng pasasalamat si Dy kay Eala dahil sa tagumpay nito at sa pagsisilbing inspirasyon sa mga Pinoy.
“Every match, every victory, every loss is another step forward in what is already becoming an extraordinary career. Maraming salamat sa karangalang ibinigay mo sa ating bayan. Proud kaming lahat sa’yo. The best is yet to come.”