Home METRO P17.5M tobats nasamsam sa Negros; 2 HVT arestado

P17.5M tobats nasamsam sa Negros; 2 HVT arestado

3
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Dalawang high-value drug target ang naaresto sa magkahiwalay na anti-illegal drug operations sa Negros Island Region noong Linggo, kung saan nakumpiska ang mahigit 2.5 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P17.51 milyon.

Sa Bacolod City, naaresto ang 25-anyos na lalaking kilala sa alyas na “Wayway,” na nasa BADAC watch list. Nakumpiska sa kanya ang humigit-kumulang 2,075 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P14.11 milyon, kasama ang 21 plastic bag, apat na sachet, at P6,000 na buy-bust money.

Ayon sa pulisya, naging drug runner umano si “Wayway” noong unang bahagi ng 2026 at naghahatid ng shabu sa iba’t ibang barangay sa Bacolod batay sa utos na natatanggap sa cellphone.

Samantala, sa Bacong, Negros Oriental, inaresto ng PDEA at pulisya ang isang 32-anyos na babae matapos umanong magbenta ng shabu sa isang undercover agent. Narekober sa kanya ang humigit-kumulang 510 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here